Ang International Fanworks Day 2017 ay paparating na

Ang International Fanworks Day ay gaganapin sa ika-15 ng Pebrero 2017. Pinaplano ng OTW (Organisasyon para sa Ibahing Katha) na ipagdiwang ito, ngunit nais din naming malaman kung ano ang inyong gagawin!

Ano ang International Fanworks Day?

Isang araw kung saan ipinagmamalaki ang pagkamalikhain ng mga tagahanga sa lahat ng anyo nito sa buong mundo. Maging ito man ay teksto, larawan, huni, o multimedia, anuman ang bansa o wikang pinagmulan nito, ang mga hangang-katha ay ginagamit na pagpapahayag ng ating pagmamahal para sa ating mga fandom, at makapagtatag ng ating sariling mga komunidad at tradisyon. Sa araw ng International Fanworks Day (IFD), nais naming ipakita sa lahat ng mga tagahanga kung gaano kahalaga sa kanila ang kanilang mga katha.

Ipaalam sa Amin kung Ano ang Kahulugan ng mga Hangang-Katha para sa Iyo

I-aanunsyo namin sa susunod na buwan ang mga gawaing tatangkilikin ng OTW, kaya sa pansamantala ay nais naming marinig ang inyong mga plano para magdiwang. Nais din naming ipaalam ninyo sa amin kung ano ang kahulugan ng mga hangang-katha para sa iyo.

Ipadala sa amin ang inyong mga saloobin (hanggang 500 salita lamang) sa pamamagitan ng aming Communications contact form bago mag ika-31 ng Enero. Mamimili kami ng hanggang sa anim na kalahok para ilathala sa Balitang OTW sa Pebrero bilang bahagi ng aming panimula para sa IFD. Kapag magsusumite, ipaalam sa amin ang mga susunod na detalye:

  1. Kung paano mo gustong malista ang iyong pangalan/palayaw
  2. Ang bansang iyong tinuturing na tahanan

Malugod naming tatanggapin ang mga lahok alinmang wika!
Ang balitang ito ay isinalin ng mga boluntaryong tagasalin ng OTW. Para sa karagdagang impormasyon ukol sa aming gawain, maaring tumungo sa pahina para sa Pagsasalin sa transformativeworks.org.