Maligayang Pagdating sa Pista ng Pagbigay-Tugon 2017

Nalalapit na ang International Fanworks Day.
Upang ipagdiwang ito, inilulunsad namin ngayon ang isa sa mga nakaplano naming gawain, ang Pista ng Pagbigay-Tugon!

Paano ito gagawin?

Alam namin gusto mo ang mga hangang-katha, kaya nga naririto ka’t binabasa mo ito! Kaya naman, maging espesipiko ka.

Mag-iwan ng komentaryo rito na nagrerekomenda ng tatlong hangang-katha o higit pa. Ipaliwanag kung bakit mo naibigan ang mga ito at kung bakit dapat pansinin din ang mga ito ng iba. Maaari ka ring mag-iwan ng kawing ng isang paskil kung saan nairekomenda mo na ang mga ito sa ibang plataporma gamit ang hashtag na #IFDFest. Mangyaring tandaan na hangang-katha rin ang mga fan-community, newsletter, artsibo, at iba pa kaya napakaraming posibilidad.

Para sa lahat ng tumitingin sa mga inirekomendang hangang-katha, huwag kalimutang mag-iwan ng mga komentaryo, like, pagbibigay-pugay, at iba pang pagbibigay-apresyasyon para sa mga tagahangang lumikha ng mga ito upang kumalat ang kagalakan.

Ang balitang ito ay isinalin ng mga boluntaryong tagasalin ng OTW. Para sa karagdagang impormasyon ukol sa aming gawain, maaring tumungo sa pahina para sa Pagsasalin sa transformativeworks.org.